Rizal Monument in Barong (Monumento Ni Rizal Na Nakabarong)
Airfare Daily Deals eCigarettes Eyeglasses Hotels Jewelry Online Backup Online Dating Online Printing Online Tickets Skin Care Textbook Rentals Vitamins Web Hosting Weddings
Find thousands of shopping-related forums
SEARCH

Rizal Monument in Barong (Monumento Ni Rizal Na Nakabarong)

The Monument offered by Central Luzon State University (CLSU) in Science City of Muñoz, Nueva Ecija for Jose P. Rizal is one of the only four unique monument for this great hero wearing a Barong Tagalog. The other two monuments of Rizal in Barong Tagalog can be found in his hometown of Calamba, Laguna; the first is 9 ft tall and was created by Guillermo Tolentino, a National Artist for the Arts in 1961 while the other is located at the City College of Calamba. the fourth monument can be found in Mandaue City, Cebu.
The Monument offered by Central Luzon State University (CLSU) in Science City of Muñoz, Nueva Ecija for Jose P. Rizal is one of the only four unique monument for this great hero wearing a Barong Tagalog. The other two monuments of Rizal in Barong Tagalog can be found in his hometown of Calamba, Laguna; the first is 9 ft tall and was created by Guillermo Tolentino, a National Artist for the Arts in 1961 while the other is located at the City College of Calamba. the fourth monument can be found in Mandaue City, Cebu.      

Image Source

The monument of Rizal in CLSU was constructed in 1951 through the contributions of grauating students of the laboratory high school of Central Luzon State College (CLAC). the project was spearheaded by Guillermo W. Salamat, a teacher, and the class president Joaquin Reyes. The students were also responsible for the design of the monument. based on the marker located on its pedestal, the project was started in 1950 and was finished in 1952. The monument is 15 ft in height while the statue itself is 4.7 ft tall. The student actually intended that Rizal should be in Barong Tagalog as a symbol of their great nationalism and in appreciation of his heroism of Rizal.

It was also imbedded in the monument that CLSU is truly an agricultural institution. The right hand of Rizal which is raised in the air shows to the masses the ricefield. On his knee and back, two doves are depicted which symbolized that the hope of the nation lies on agriculture. On his left hand, Rizal is holding "salakot" made of gourd. The monument is a mirror of the alumni of CLSU's great desire and feeling that agriculture is indeed an important art of the society just like Rizal who is a mirror of wisdom, youth and nationalism.

in 1962, after Rizal's centennial birthdat in 1961, Jose Rizal National Centennial Commission published a huge pictorial album about Rizal, the Pictorial Album on Rizal: Album Pictorico Sobre Rizal. Here, the monument of Rizal in Barong in CLSU was included in recognition of its uniqueness.

in 2005, the CLSU High School Class '64 through the initiative of their president, Pedro L. Bacani and Reynaldo A. Peralta, a fund was allotted for the rehabilitation and beautification of the monument and its surrounding. It is now known as CLSU Rizal Park. it is located in front of the University Canteen and located near the CLSU Auditorium. Celebrations and important affairs in the university areusually held in the park such as National Heroes Day every August 30 and Rizal Day every December 30. It has also became a tradition for Reserved Officers Training Corps (ROTC) to serve as honor guards in the said monument during such ocassions.

It is very common amongst Rizal's life-size monuments located fro the different parts of the world to see him wearing a black overcoat with a book on his hands. The inspiration of this monument is Motto Stella (Bituing Gabay) or Monument of Rizal in Luneta, Manila which was designed by the Swiss sculptor Richard Kissling.

Monumento Ni Rizal Na Nakabarong

Ang monumentong alay ng Central Luzon State University (CLSU) sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija kay Jose Protacio Rizal ay isa sa apat na natatanging monumento ng dakilang bayani na nakabarong Tagalog.  Ang dalawa pang monumento ni Rizal kung saan siya’y inilarawan na nakabarong Tagalog ay makikita sa mismong bayan sinilangan ng bayani, ang Lungsod ng Calamba, Laguna: ang una ay may taas na siyam na talampakan na gawa ni Guillermo Tolentino, ang Pambansang Alagad ng Sining sa Iskultura, noong 1961, habang ang ikalawa ay nasa City College of Calamba.  Ang ikaapat na monumento ay makikita sa plaza ng Lungsod ng Mandaue sa Cebu.

Ang naturang monumento ay itinayo noong 1951 mula sa ambagan ng mga magsisipagtapos na mag-aaral sa laboratory high school ng Central Luzon Agricultural College (CLAC).  Ang proyektong ito ay pinangunahan ng gurong is Guillermo W. Salamat at pangulo ng isang klase na si Joaquin Reyes.  Ang mga mag-aaral din ng CLSU ang nagdisenyo mismo ng monumento.  Ayon sa isang panandang marmol sa may pedestal, sinimulan ang proyekto noong 1950 at natapos noong 1952.  Ang monumento ay may taas na 15 talampakan habang ang mismong estatwa ni Rizal ay may taas na 4.57 talampakan.  Sinadya ng mga naturang magsisipagtapos na mag-aaral na gawing barong ang suot ng bayani bilang simbolo ng kanilang marubdob na nasyonalismo at pagkilala sa kabayanihan ng kapwa nilang kabataang si Rizal.

Inilangkap ng CLSU ang pagiging institusyong pang-agrikultura sa kakaibang monumentong ito ni Rizal.  Ang kanyang kanang kamay ay nakataas at animo’y ipinapakita sa madla ang bukirin.  Sa kanyang binti at likuran ay makikita naman ang dalawang puting kalapati na nakaladlad ang mga pakpak na animo’y naglarawan na ang pag-asa ng bayan ay nasa agrikultura.  Sa kanyang kaliwang kamay na nakababa ay tangan naman ni Rizal ang sombrerong tabungaw, isa sa mga karaniwang sombrero ng mga magsasaka maliban sa salakot.  Ang tabungaw ay isang uri ng malapad na upo kung saan ang bao ay pinatutuyo upang gawing sisidlan ng tubig o pitsel at higit sa lahat bilang sombrero.  Sa madaling sabi, salamin ang monumentong ito ng nagpupumiglas na damdamin ng mga alumni ng CLSU na ang agrikultura ay mahalagang bahagi ng lipunan tulad ni Rizal na siya namang salamin ng karunungan, kabataan, at pagmamahal sa bayan.

Noong 1962, matapos ang sentenaryo ng kapanganakan ni Rizal noong 1961, inilathala ng Jose Rizal National Centennial Commission ang isang malaking pictorial album patungkol kay Rizal, ang Pictorial Album on Rizal: Álbum Pictórico Sobre Rizal.   Dito ay nasama ang monumentong nakabarong ni Rizal sa CLSU bilang pagkilala sa natatangi nitong pagkakagawa.

Noong 2005, ang CLSU High School Class ’64 sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Pedro L. Bacani at Reynaldo A. Peralta ay naglaan ng pondo upang pagandahin ang paligid ng monumento.  Ito ngayon ay tinawag na CLSU Rizal Park.  Nasa harapan ito ng University Canteen at malapit sa CLSU Auditorium.  Dito ginaganap ng CLSU ang mga pagdiriwang at paggunita tulad ng Araw ng mga Bayani at Araw ni Rizal tuwing Agosto at ika-30 ng Disyembre.  Naging tradisyon na rin ng mga kadete ng Reserved Officers Training Corps (ROTC) ng CLSU na magkaroon ng espesyal na pagtatanod bilang mga honor guards tuwing Araw ni Rizal.

Pangkaraniwan na sa mga monumentong life-size ni Rizal sa iba’t ibang panig ng mundo ang makitang siya’y na naka-overcoat na kulay itim hawak ang mga aklat sa kanyang mga kamay.  Inspirasyon ng mga monumentong ito ang Motto Stella (Bituing Gabay) o ang bantayog ni Rizal sa Luneta, Maynila na disenyo ng Swisong iskultor  na si Richard Kissling.

Sanggunian:

Anselmo Roque, “No overcoat for this Rizal in C. Luzon.”  Philippine Daily Inquirer, ika-30 ng Disyembre 2002.

Comisión del Centenario de José Rizal 1962, Pictorial Album on Rizal: Álbum Pictórico Sobre Rizal, edición del centenario.  Manila: Comisión del Centenario de José Rizal.

Quijano de Manila 1980, Language of the street and other essays.  Lungsod ng Quezon: National Book Store.

Need an answer?
Get insightful answers from community-recommended
experts
in Philippines on Knoji.
Would you recommend this author as an expert in Philippines?
You have 0 recommendations remaining to grant today.
Comments (0)
ARTICLE DETAILS
RELATED ARTICLES
ARTICLE KEYWORDS